SIMPLE BUT HELPFUL STEPS SA PAGPEPREPARE NG CHALICE
1. Linisin muna ang chalice tulad ng ginagawa ni kuya Randy. Syempre, magbibigay ka ba naman ng maalikabok na chalice kay Fr. Kung ang isang bagay ay gagamitin sa misa, dapat lagi itong malinis.
2. Ilagay ang purificator sa ibabaw ng chalice. Pwedeng nakatupi, pwede ring hindi.
3. Ipatong ang paten. At ilagay sa ibabaw nito ang "big host" na gagamitin sa consecration.
4. Sunod na ilagay ang pall, na magsisilbing cover ng chalice at ng paten. Depende sa Liturgical season ang magiging kula ng pall.
Violet - advent o lent
Red - feast of martyrs, Pentecost, Corpus Christi,
Green - Ordinary Time
White or Gold - Special celebrations.
Blue - (optional) feast days of Mary.
5. Panghuling ilagay ang corporal, na nakatupi at ipatong ito sa ibabaw ng pall. Kung gagamitin, ito ay nakalatag sa ibabaw ng altar table at pagpapatungan ng Ciborium at chalice.